Hiling ni Cayetano na mag-birthday bilang Speaker, imposible na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Mara Cepeda (Rappler)

Hindi na maisasakatuparan ang hiling ni Taguig Rep. Allan Peter Cayetano na ipagdiwang ang kanyang nalalapit na kaarawan bilang House Speaker, matapos ayusin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hidwaan sa pagiging House Speaker sa pagitan ni Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Iniulat noong Setyembre 29 ang pagpapatupad sa binuong term-sharing agreement sa pagitan nina Cayetano at Velasco, na pinangunahan ni Duterte.

Ito ay sa kabila ng pagnanais ng mga kaalyado ni Cayetano na panatilihin ito sa puwesto, taliwas sa nakasaad sa nasabing “gentleman’s agreement”, upang hindi maabala ang pagpapasa ng 2021 national budget.

“‘Sana umabot ako na Speaker pa rin ako nang birthday ko,’ sabi ni Speaker Cayetano, which will be on Oct. 28. Sabi naman ni Cong. Velasco, ‘e birthday ko rin sa Nov. 9.’ So parang ganoon lang,” giit ni Oriental Mindoro 1st District Rep. Salvador “Doy” Leachon, na kaalyado ni Velasco.

Sa Oktubre 14 aniya magaganap ang pagpapalit ng liderato sa Kamara.

LATEST

LATEST

TRENDING