Duterte, muling umapela sa telcos na ayusin ang serbisyo sa internet

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Muling umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga telecommunications companies (telcos) na ayusin ang kanilang mga serbisyo habang paparating ang muling pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan.

Sinabi ni Duterte ang komento habang sumasailalim sa blended mode ng learning ang mga mag-aaral para sa academic year 2020-21 dahil sa Covid-19 pandemic, kung saan ang mga aralin ay idinadaan sa internet, telebisyon, radyo, at printed modules na ipinamamahagi ng mga paaralan.

Nakatakdang magbukas ang mga pampublikong paaralan sa Oktubre 5.

Can you do a better job? Is there life after this kind of service that you are delivering to the public (Puwede niyo bang ayusin ang trabaho niyo? May buhay pa ba sa ganitong klase ng serbisyo ninyo sa publiko?)” giit ni Duterte sa lingguhang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) meeting noong Setyembre 28.

Ipinahayag ng pangulo na hindi nakukuha ng mga Pilipino ang halaga ng kanilang binabayaran dahil sa mabagal na internet mula sa telco firms.

The eternal complaint ever since telco came into being, it has been the agony of the Filipino people, why until now, our telcos (services) are very poor (Ang panghabang buhay na reklamo ng mga Pilipino simula nang magawa ang mga telco, naging kalbaryo na ito ng mga Pilipino, bakit hanggang ngayon, pangit pa rin ang serbisyo ng mga telcos),” ani Duterte.

Hinikayat din ng pangulo ang mga local government units (LGUs) na pabilisin ang pagproseso ng mga permit ng telcos sa para sa pagtatayo ng mga bagong cell towers upang mapagbuti ang internet connection sa bansa.

“Kasi kung kaya ko lang na mag-isang salita lang nandiyan na kaagad, matagal na itong natapos itong problema ng Pilipinas,” diin ni Duterte.

Unang nilagdaan ang isang joint memorandum circular ng Department of Information and Communications Technology at iba pang mga ahensya upang i-streamline ang procedures at requirements para sa permits, licenses, clearances, certificates, at iba pang dokumento para sa pagtatayo ng mga common towers. Nakasaad din sa nasabing circular ang pagbabawas sa processing time mula 200 days patungong 16 days.

Hinikayat din ni DICT Secretary Gringo Honasan ang mga telcos na gamitin ang Common Tower project ng ahensya upang mapaigting ang internet access sa buong bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING