Malacañang: Duterte, mananatili bilang pangulo bagama’t nag-alok na magre-resign

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Maliit ang tsansa na magre-resign si Pangulong Rodrigo Duterte bagama’t nag-alok itong magbitiw noong Setyembre 28, pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, “Hindi po natuloy ang resignation ni Presidente. Tingin ko hindi po siya magre-resign ngayon dahil dalawang taon na lamang ang natitira sa kanyang termino. Igugugol niya ang natitirang panahon niya para talagang linisin ang mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno.”

Sinabi ng pangulo na nag-alok itong magbitiw sa puwesto dahil sawa na ito sa talamak na kurapsyon sa pamahalaan.

Naging trending naman sa Twitter ang hashtag na #PaalamDuterte kinaumagahan matapos ang pahayag ng pangulo.

“Hindi naman po kauna-unahang beses na sinabi ni Presidente ‘yan… Ang talagang frustration po niya ay talagang hindi nawawala itong korapsyon,” ani Roque.

Kasalukuyang kinakaharap ng pangulo ang mga isyu ng katiwalian sa PhilHealth, na pinangunguhan aniya ng isang internal “mafia” na nauwi sa pagkawala ng tinatayang nasa ₱15 bilyong pondo.

Noong tumakbo si Duterte sa pagkapangulo, nangako itong wawakasan ang kurapsyon at iligal na droga sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan.

Subalit, nananatili pa rin ang mga nasabing suliranin apat na taon sa kanyang termino.

LATEST

LATEST

TRENDING