Pagkikita ni Cayetano at Paolo Duterte, nangyari sa Metro Manila, hindi sa Davao: Rep. Yap

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa Instagram (@congericgoyap)

Sinabi ng isang kongresista na ang naganap na pagkikita nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Deputy Speaker Paolo Duterte nitong nagdaang weekend ay nangyari sa Metro Manila, at hindi sa Davao City.

Nilinaw ito ni Rep. Eric Yap, chairman ng House Committee on Appropriations, dalawang araw matapos itong magpost ng mga larawan sa Instagram na kasama sina Duterte, Cayteno, asawang si Rep. Lani Cayetano, at si House Secretary General Brian Yamsuan.

Ang mga nasabing larawan ay unang naka-set sa Davao City, batay sa geotag na nakalagay sa Instagram post ni Yap.

Subalit, iginiit ni Yap na “hindi siya masyadong pamilyar sa social media,” kaya nagkamali umano siya sa paglalagay ng Davao City sa halip na Metro Manila bilang default location. Hindi naman nito nilinaw kung saan naganap ang nasabing meeting.

Sinabi rin ni Yap na hindi sila nag-usap-usap tungkol sa pulitika kundi mga personal na kwentuhan lamang at talakayan tungkol sa Covid-19 response ng pamahalaan.

Nangyari ang nasabing pagkikita isang linggo matapos kumalat ang text message ni Rep. Duterte kay Yap kung saan nagdulot ito ng mga usap-usapan tungkol sa posibleng pagpapatalsik kay Cayetano bilang lider ng Kamara.

Sa nasabing mensahe, nagbanta si Duterte na idedeklara niyang bakante ang speakership at deputy speakership matapos ang ilang reklamo ng mga mambabatas hinggil sa “hindi patas” na alokasyon umano ng badyet sa kani-kanilang mga distrito.

Subalit, walang naganap na kudeta noong Setyembre 21 at nagtapos ang sesyon sa loob lamang ng ilang minuto. Sinundan ito ng malawakang pagpapahayag ng suporta kay Cayetano mula sa “supermajority” ng mga kaalyado at  regional blocs, bagama’t may term-sharing deal ito kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Ayon naman kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor noong Setyembre 27, ang popular na sentimyento ng mga “party leaders” ay ang panatilihin bilang House Speaker si Cayetano.

Nakatakdang magsagawa ng plenary debates ang Kamara tungkol sa ₱4.5-trilyong badyet para sa 2021, matapos abrubahan ng appropriations committee ang panukalang badyet noong Setyembre 25.

View this post on Instagram

Happy sunday.

A post shared by Cong. Eric Go Yap (@congericgoyap) on

View this post on Instagram

Chillax night

A post shared by Cong. Eric Go Yap (@congericgoyap) on

LATEST

LATEST

TRENDING