Pacquiao vs. McGregor, magaganap sa 2021

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Manny Pacquiao at Connor McGregor
Larawan mula sa: Getty

Kakalabanin ng senador at boxing icon na si Manny Pacquiao ang UFC superstar na si Conor McGregor sa susunod na taon, ayon sa tanggapan ni Pacquiao noong Setyembre 26.

Sinabi ng kampo ng Pambansang kamao na isinasapinal pa ang detalye ng nasabing laban. Subalit, tiyak naman aniya na ang malaking bahagi ng kikitain ni Pacquiao mula sa naturang laban ay gagamitin upang tustusan ang Covid-19 response.

Our lawyers are finalizing all the confidential details, but both fighters are getting ready for this one epic last boxing fight (Isinasapinal ng aming mga abogado ang lahat ng confidential details, subalit naghahanda na ang parehong fighetrs para sa matinding huling boxing fight),” pahayag ng kampo ni Pacquiao.

Inanunsyo naman ni McGregor sa Twitter ang kanyang pagbabalik sa ring bagama’t sinabi ng kanyang kampo na kasalukuyan pa ring isinasagawa ang mga pag-uusap.

I’m boxing Manny Pacquiao next in the Middle East (Kakalabanin ko sa boxing si Manny Pacquiao sa Middle East),” giit ng Irish mixed martial arts fighter.

LATEST

LATEST

TRENDING