Duterte admin, tinanggihan ang pagpapaliban ng 2022 elections dahil sa pandemiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Tinanggihan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 25 ang panawagang suspendehin ang 2022 national elections dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic, dahil may sapat namang oras aniya upang mapaghandaan ito.

Hindi dapat gamiting rason ang pandemiya para ipagpaliban ang darating na halalan, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, “The National Election is still two years away and we still have sufficient time to prepare (Dalawang taon pa bago ang national election at may sapat na oras pa tayo para maghanda.”

We must not use the existing global health crisis as a ground to cancel and reschedule the elections as this would not sit well with the public (Hindi natin dapat gamiting dahilan ang nararanasang krisis pangkalusugan bilang batayan upang kanselahin at i-reschedule ang halalan dahil hindi ito magugustuhan ng publiko),” dagdag pa ni Roque.

Hinikayat ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo noong Setyembre 24 ang Commission on Elections (Comelec) na ikonsidera ang pagpapaliban ng 2022 elections, dahil takot umano ang mga botante na mahawa sa Covid-19.

Sinagot naman ito ni Comelec Chairman Sheriff Abas at sinabing nasa Kongreso at kay Pangulong Duterte ang pagpapasya tungkol dito.

Maaari aniyang tularan ng Pilipinas ang Estados Unidos sa pagsasagawa ng halalan bagama’t nasa gitna ng pandemiya, giit ni Roque. Nakatakdang magsagawa ng halalan ang US ngayong taon.

The holding of elections is a public service that the government must ensure to deliver. The idea to postpone the 2022 elections, if and when it happens, presents constitutional challenges (Ang pagdaraos ng halalan ay isang serbisyo publiko na dapat tiyakin ng pamahalaan. Ang ideyang pag-postpone sa halalan ay maaaring labag sa Saligang Batas),” wika ni Roque.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang presidential at vice presidential elections ay dapat idaos sa ikalawang Lunes ng Mayo sa bawat anim na taon matapos ang Mayo 1992.

LATEST

LATEST

TRENDING