COMELEC: Walang rason para ipagpaliban ang 2022 elections

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Ipinahayag ng Commission on Elections (COMELEC) noong Setyembre 25 na hindi nito kinakailangang suspendehin ang 2022 elections, taliwas sa rekomendasyon ng isang kongresista dahil sa pangamba umano ng mga botante na mahawa sa Covid-19.

Kasalukuyang humihiling ang COMELEC ng P30 bilyon bilang badyet para sa paghahanda sa susunod na halalan, at paglalagay ng mga karampatang proteksyon para sa mga botante, tulad ng panukalang pagdaraos ng eleksyon sa dalawa hanggang tatlong araw, ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez.

Aniya, “Hindi natin nakikita ang need para magma-postpone ng elections.”

Unang iminungkahi ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo ang pagpapaliban sa 2022 elections dahil maaari aniyang dumating ang bakuna kontra Covid-19 sa dulo pa ng 2021.

Ang presidential elections ay isang “constitutional mandate” na hindi basta-basta puwedeng suspendehin tulad ng barangay o SK elections, giit ni Jimenez.

“Hindi namin gagawin iyan. Malinaw na malinaw ang mandato ng COMELEC at iyan ay magpa-conduct ng election. At medyo ironic naman kung COMELEC pa mismo ang magsabing huwag nating ituloy ang halalan,” pagbibigay diin nito.

Sinabi naman ni COMELEC Chairman Sheriff Abas na tumitingin ang komisyon para sa best practices sa South Korea at US kung paano maisasaktuparan nang ligtas ang halalan.

Binanatan naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ang mungkahi ni Arroyo ay sinabing, “You don’t cancel elections for any reason. That’s treason (Hindi mo puwedeng kanselahin ang halalan sa kahit anumang dahilan. Iyan ay pagtataksil).”

LATEST

LATEST