Postponement ng 2022 elections, walang basehan: Ex-COMELEC chairman

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Dating COMELEC chairman Christian Monsod

Tinanggihan ni dating Commission on Elections (COMELEC) chairman Christian Monsod noong Setyembre 25 ang panukala ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo na suspendehin ang 2022 elections, dahil patuloy pa rin naman aniya ang kalakaran ng bansa kahit nasa gitna ito ng Covid-19 pandemic.

Aniya, “Suntok sa buwan ‘yun kasi po we are functioning as a democracy. People are traveling. They are doing their functions kaya lang minimized pero it does not mean that we can postpone elections for that reason (Nagsasagawa pa rin ng mga aktibidad ang mga tao pero hindi ibig sabihin nito na susupendehin na natin ang halalan).”

That is a wild thought by somebody who did not study the law or the Constitution (Kakaibang pag-iisip iyan para sa isang taong hindi nag-aral ng batas o ng Konstitusyon),” dagdag pa ni Monsod.

Hinikayat ni Arroyo ang COMELEC noong Setyembre 24 na ipagpaliban muna ang pagdaraos ng 2022 elections dahil takot umano ang mga botante sa Covid-19.

Tumugon naman dito si Monsod, na isa sa mga nagbalangkas ng 1987 Constitution, sa pamamagitan ng isang probisyon (Section 5) ng Omnibus Election Code tungkol sa postponement ng halalan.

“Nakalagay na sa Election Code ‘yung terrorism, destruction of paraphernalia, violence…such a nature that it’s not possible to have a free, and orderly, and honest elections. Pandemic is not such a nature that you cannot have people going to the polls to vote. It’s common sense (Hindi rason ang pandemiya para hindi isakatuparan ang halalan. Sentido komon ito),” paliwanag ni Monsod.

Binigyang diin nito na kung ipagpapaliban ang halalan, hindi ito nangangahulugang mapapalawig ang termino ng pangulo. Kung mangyayari ito, maipapatupad ang Section 7 ng Konstitusyon tungkol sa line of succession.

“Automatic natatapos ‘yung term ng Presidente. He cannot extend it himself most of all or anybody even Congress cannot extend him. He automatically has to step down on June 30, 2022,” ani Monsod.

Iginiit ng dating commissioner na kahit magpasya ang mga mambabatas na amyendahan ang Konstitusyon, kinakailangan pa rin nilang sundin ang mga panuntunang itinakda rito.

Aniya, “‘Yung manner of voting tapos kailangang may plebiscite. How can you do the plebiscite if they are saying ‘di pwedeng mag election pero pwedeng mag plebiscite. Nananginip sila kung ‘di loko-loko sila.”

Samantala, sinabi naman ni Monsod na dapat pag-aralan ang proposal na magpatupad ng dalawang araw na botohan. Iminungkahi naman nitong doblehin na lang ang bilang ng mga presinto sa halip na magdaos ng dalawang araw na botohan.

Para kay Monsod, dapat ituloy ang halalan.

There is no ground to postpone it. The pandemic certainly is not a ground to postpone (Walang basehan ang pag-postpone nito. Hindi dahilan ang pandemiya sa pagpapaliban nito),” wika ng dating COMELEC chairman.

LATEST

LATEST

TRENDING