Duterte, dinipensahan ang Anti-terror law sa UN General Assembly

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: The Straits Times

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre 23 ang Anti-Terrorism Act of 2020 (Republic Act No. 11479) sa talumpati nito sa United Nations General Assembly, habang inilalarawan ito bilang “legal framework” na makatutulong sa pagsugpo ng terorismo sa bansa.

The Marawi siege, where foreign terrorist fighters took part, taught us that an effective legal framework is crucial. Our 2020 Anti-Terrorism Act shores up the legal framework by focusing on both terrorism and the usual reckless response to it (Ang Marawi siege, na kinabilangan ng mga banyagang terorista, ay nagturo sa atin na mahalaga ang epektibong legal framework. Naibibigay ito ng 2020 Anti-Terrorism Act sa pamamagitan ng pagpokus sa terorismo at sa pagresponde rito),” ani Duterte sa kanyang pre-recorded speech sa High-Level Debate of the 75th UNGA.

Patuloy na nararanasan ng Pilipinas ang terorismo, kung saan ang pinakahuling pangyayari ay ang dalawang pagsabog sa Jolo, Sulu noong Agosto na ikinasawi ng ilang mga sibilyan at sundalo.

Bukod sa Marawi siege noong 2017, kabilang sa mga pag-atake ng mga terorista sa bansa ay ang Jolo Cathedral attack noong 2019, at ang Davao City night market bombing noong Setyembre 2016.

Ayon kay Duterte, pasok ang anti-terrorism law sa UN resolutions na kaugnay sa paglaban sa terorismo.

Its enactment was done pursuant to our commitment, and the strict adherence to the relevant (Ang pagsasabtas nito ay alinsunod sa aming pangako at striktong pagsunod sa) Security Council resolutions and the UN Global Counter-Terrorism Strategy,” dagdag pa ng pangulo.

Idiniin ni Duterte na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat upang protektahan ang kaligtasan ng mga Pilipino.

Inulit din ng pangulo ang kanyang pangako sa pagbangon ng mga apektadong komunidad at patuloy na tutugunan ang ugat ng terorismo at ekstermismo sa bansa.

Nangako rin ito na dadagdagan ang partisipasyon ng mga kababaihan sa UN peacekeeping operations.

LATEST

LATEST