Duterte, pinuri ang Ombudsman sa pag-iimbestiga nito kontra katiwalian

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ombudsman Samuel Martires dahil sa pag-iimbestiga sa mga kaso ng kurapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Aniya, “I find Martires a very reasonable man, pero ‘yung naglabas ‘yung PhilHealth na sunod sunod sabi ko na, ‘Well I think he is also really trying his best to help us.”

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang suspensyon ng 13 PhilHealth officials mula sa isang lumang reklamo, habang isinasagawa ang imbestigasyon tungkol sa mga alegasyon ng katiwalian sa state health insurance firm.

Inaprubahan ng pangulo ang naging rekomendasyon ng Task Force PhilHealth, na pinangunahan ng Department of Justice (DOJ), na magsampa ng kaso laban sa ilang opisyal ng PhilHealth na sangkot sa maagang disbursement ng cash advances para sa Covid-19 patients bago ito maging epektibo noong Hunyo, at ang umano’y overpriced procurement ng IT equipment.

Kinilala rin ni Duterte ang magandang relasyon ng Office of the Ombudsman at ng Executive Department.

Ang mga komento ng pangulo ay nangyari matapos ideklara ng Ombudsman ang paghihigpit sa access ng publiko sa statements of assets, liabilities and net worth (SALNs) ng mga opisyal ng pamahalaan.

Inilabas ang amended guidelines matapos hilingin ng mga mamahayag ang kopya ng 2018 at 2019 SALN ni Duterte, na hindi na nailalathala.

I do not know him. But if that is the kind of reception we get from him, it’s a matter of human niceties. I’d like to thank you for that. We need that kind of relationship with the Ombudsman (Hindi ko siya kilala. Subalit, kung ganyan ang pagtingin niya sa amin, nagpapasalamat ako sa kanya. Kailangan natin ang ganitong relasyon sa Ombudsman),” diin ni Duterte.

LATEST

LATEST

TRENDING