DOH: Covid-19 laboratories sa bansa, nakapag-uulat na sa oras

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Karamihan sa mga laboratoryo ng bansa na humahawak ng Covid-19 tests ay nakakapagsumite na ng kani-kanilang mga ulat sa oras at hindi na nagdudulot ng problema sa arawang tally ng cases, pahayag ng Department of Health (DOH) noong Setyembre 21.

“Itong ating mga laboratory submissions, nakita natin in the past days talagang naka-cope na. And we are able to receive most of these backlogs from the laboratories already,” giit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ayon sa opisyal, ang mga naiuulat na Covid-19 cases bawat araw ay hindi na dahil sa mga naghahabol na laboratoryo ng delayed results.

Sa pag-uumpisa ng buwan, nagbabala ang DOH tungkol sa “irregularly high number” ng mga kaso dahil kinailangang tugunan ng mga laboratoryo ang mga mandatory entries sa patient forms.

Nauwi ito sa hindi pagsusumite ng mga laboratoryo ng results nang naaayon sa oras.

Noong unang linggo ng Setyembre, bumaba sa 1,000 hanggang 2,000 na level ang Covid-19 cases sa bansa. Subalit, umakyat itong muli sa 3,000 pasgsapit nang ikalawang linggo.

“Maaaring malaking porsyento galing din po sa labas ng National Capital Region. Pero syempre tinitignan pa rin natin. We are trying to analyze the numbers right now,” ani Vergeire.

Ayon kay Vergeire, 43% mula sa mga bagong inanunsyong kaso sa Pilipinas mula Setyembre 7 hanggang 20 ay nagmula sa National Capital Region.

Kasalukuyan din umanong pinag-aaralan ng ahensya kung ang bilang ng Covid-19 cases na naitatala ngayon ay sumasalamin sa realidad ng Covid-19 pandemic sa bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING