Robredo kay PRRD: Paghihintay sa bakuna kontra Covid-19, ‘hindi sapat’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo at Pangulong Rodrigo Duterte
Kuha ni: Krizjohn Rosales (The Philippine STAR)

Ipinahayag ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo noong Setyembre 21 na “hindi sapat” ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte maghintay na lamang sa pagdating ng Covid-19 vaccine para epektibong matugunan ang Covid-19 pandemic.

Unang nagalit ang pangulo sa oposisyon at mga kritiko at sinabing hindi na niya alam kung ano ang nais ng mga ito dahil mayroon naman aniyang mga hospitals, hospital beds, at morgues ang bansa para tugunan ang paglaganap ng pandemiya.

Aniya, “Ang sabi, we are not doing enough. What can we do with the germ that is flying around? It’s the microbe that cannot be controlled by any(one).”

“Anong gawin mo? Gusto mo i-spray mo from the sky? DDT? Wala naman tayong magawa diyan,” wika ni Duterte habang tinutukoy ang isang banned insecticide. 

Muling idiniin ng pangulo na tanging bakuna lamang ang makapagwawakas sa nararanasang krisis pangkalusugan.

Subalit, iginiit ni Robredo sa isang Facebook post na walang magandang maidudulot ang paghihintay na lamang para sa bakuna.

“Hindi yata sapat na basta may ospital, kama at punerarya, ang kailangan na lang gawin ay maghintay ng vaccine,” ani Robredo.

Idiniin ng pangalawang pangulo na posibleng malutas ng bansa ang problema nito sa Covid-19 sa pamamagitan ng “medical at non-medical” na mga pamamaraan.

Tinutuligsa rin ang pamahalaan dahil sa pag-appoint nito ng mga retired military generals na siyang nangunguna sa pagbabalangkas ng mga palisiya kontra Covid-19.

Binanggit naman ni Robredo na kinakailangan ng pamahalaan na solusyunan din ang mga “humanitarian emergencies” tulad ng kahirapan, gutom, at unemployment buhat ng pandemiya.

Iminungkahi nito ang restructuring ng public at private finances, at pagbangon sa ekonomiya sa pamamagitan ng “inclusive, resilient, at sustainable” na pamamaraan.

“Yung number 1 po, hindi maso-solusyunan sa pag-spray ng pesticide sa Manila galing sa eroplano,” giit ng pangalawang pangulo.

LATEST

LATEST