Malacañang, binigyan ng pagkakataon ang isang LTO official na ‘umayos’

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Binalaan ng Malacañang noong Setyembre 21 ang isang Transportation official sa Visayas na mag-“shape up” o umayos habang nahaharap ito sa mga alegasyon ng katiwalian.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na binibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pagkakataon upang umayos ang isang regional director ng isang unit ng Department of Transportation (DOTr) matapos itong mapangalanan na sangkot ito sa mga maruruming negosasyon na nagkakahalaga ng milyun-milyon.

Ito ang naging reaksyon ni Roque tungkol sa mga naiuulat na anomalya sa paglabas ng motorcycle plates mula sa Land Transportation Authority nang pag-usapan niya ang isyu sa kanyang press briefing sa Cagayan de Oro City.

Aniya, “Alam ko po may mga anomalya dyan sa LTO. Meron po akong isang malaking anomalya na baka isumbong na ni (Transportation) Secretary (Arthur) Tugade dito po sa Visayas, pero pinagbibigyan muna natin ‘yung tao na affected na i-rectify ang kaniyang mga pagkakamali.”

“Pinagbibigyan po natin ang lahat. Marami na pong nagkamali when they said that I speak without authority from the President. The President has zero tolerance for corruption,” dagdag pa ni Roque.

“I am warning that LTO regional director in the Visayas, shape up po dahil the President will never tolerate corruption no matter saang level ‘yan,” giit ni Roque.

Ang implementasyon ng kontrobersyal na batas sa “doble plaka” para sa mga motorsiklo na nilagdaan noong 2019 ay naantala dahil sa late delivery ng supplies.

Libu-libong motorcycle owners ang sumalungat sa batas, at sinabing peligroso ang mas malaking plaka para sa mga riders dahil posible itong makaapekto sa aerodynamics ng motorsiklo at maaari ring liparin ng hangin ang mga ito.

LATEST

LATEST

TRENDING