Año: Physical distancing sa public transport, pwedeng paluwagin kung bababa ang daily Covid-19 case average

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Interior Secretary Eduardo Año

Maaaring paluwagin ang distancing protocols sa loob ng mga pampublikong transportasyon kung bababa aniya ang Covid-19 case average, pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año noong Setyembre 21

Sinabi ng kalihim na maisasakatuparan ito kung mababawasan ang virus infection aveage kung bumaba ang average nang triple o dobleng-digit figure.

Aniya, “It’s a matter of time. Pagka bumaba na tayo sa three digits at two digits ay pwede na tayong mag-reduce ng distancing.”

“Sa Manila, ang ating average ay nasa 1,200 new cases every day. So pababain natin to into lower than three digits, or double digit na lang, then we can really relax a lot of things, including mass transport,” giit ni Año.

Nakapagtatala pa rin ang bansa ng libu-libong mga panibagong Covid-19 infections, kabilang ang mahigit 3,000 cases sa nakalipas na tatlong araw, batay sa datos ng Department of Health (DOH).

Ibinahagi naman ng DILG Secretary ang karansan ng mga karatig-bansa kung saan naibaba umano ng mga ito ang kanilang transport policies bunsod ng mababang infection rates.

Naunang inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapagaan sa distancing protocol para sa mga commuters sa 0.75 meter— mula sa dating 1 meter— upang mas makapagsakay ng mas maraming commuters.

Subalit, agad din itong ibinalik sa 1 meter kinalaunan dahil sa pangamba mula sa mga opisyal at health experts.

LATEST

LATEST