DOH, gustong ipa-regulate kay PRRD ang presyo ng Covid-19 swab tests

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inirekomenda ng Department of Health (DOH) kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag-isyu ito nga executive order na magtatalaga ng price ceiling para sa mga Covid-19 swab tests sa mga pribado at pampublikong mga ospital at laboratoryo.

Sinabi ni DOH Spokesperson Maria Rosario Vergeire noong Setyembre 21 na hinihintay nila ang tugon ng Office of the President.

Ipinaliwanag din nitong may batas na nagmamandong magtalaga ng price ceiling para sa mga gamot, subalit hindi umano kasama rito ang gastos sa diagnostics at professional fees.

“Nakikita nga po natin ang malaking difference between laboratories as to how much the swab testing costs,” ani Vergeire.

Nilinaw ng opisyal na wala pang itinakdang presyo, subalit magsasagawa ng survey ang ahensya para idetermina ang range.

Kokonsultahin din umano ng ahensya ang Department of Trade and Industry at iba pang mga eksperto.

LATEST

LATEST

TRENDING