Mga komunista, nais makipagpulong kay Robredo tungkol sa pagbabalik ng peace talks

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Nais ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), na kumakatawan sa mga rebeldeng komunista sa peace talks sa pamahalaan, na dumulog at pag-usapan ang negosasyon kay Pangalawang Pangulo Leni Robredo matapos itong hindi magtagumpay sa pakikipagnegosasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

The NDFP, including its panel, should hold discussions with opposition parties, in particular, the Liberal Party (Dapat makipagpulong ang NDFP, kasama ang mag partido ng oposisyon, partikular na ang Liberal Party),” ani Julie de Lima, ang bagong appointed na NDFP negotiating panel interim chairperson na pumalit sa yumaong si Fidel Agcaoli.

Si Robredo naman ang chairperson ng Liberal Party.

Ayon kay De Lima, dapat makipag-usap ang komunistang organisasyon kay Robredo bilang constitutional successor “upang idiin ang pagbabalik ng peace negotiation bilang hakbang para patalsikin si Duterte.”

Naglabas naman ng pahayag noong Setyembre 18 ang Communist Party of the Philippines tungkol sa mga naging pahayag ni De Lima sa isang panayam sa Ang Bayan, ang opisyal nitong publikasyon.

Ang CPP at ang armado nitong sangay na New People’s Army ay nagsasagawa ng pinakamahabang pagrerebelde sa Asya na mahigit apat na dekada na.

Pormal na winakasan ni Duterte ang peace talks noong Nobyembre 2017, bunsod ng akusasyon mula sa magkabilang panig ng ceasefire violations.

Sinabi na De Lima na magiging prayoridad ang pagtalakay sa mga social at economic reforms sa isang “post-Duterte scenario.”

Itinutulak ng CPP ang paglagda sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER).

Ayon kay De Lima, layon ng CASER na maglunsad ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa lahat; at pagpapatupad ng disaster preparedness at response na importante sa Covid-19 pandemic. May probisyon din na panagutin ang mga tiwali at pabayang mga opisyal.

Hindi pa rumeresponde ang tanggapan ni Robredo maging ang Malacañang tungkol sa pahayag ng NDFP.

LATEST

LATEST

TRENDING