Eleazar: Tagaytay, ‘model area’ para sa turismo ngayong Covid-19 pandemic

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Joint Task Force Covid Shield commander, Lt. Gen. Guillermo Eleazar (gitna), at Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino (kanan)

Pinuri ni Joint Task Force Covid Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar noong Setyembre 19 ang Tagaytay City dahil sa pagiging modelo nito sa pangangasiwa sa pagpasok at paglabas ng mga turista upang matiyak na protektado ang lahat mula sa Covid-19.

“The JTF Covid Shield and the Office of Mayor Agnes Tolentino are now working together to turn Tagaytay City as a pilot or model area for all the LGUs that are planning to also open their borders in order to boost local tourism (ay magkatuwang pata tiyaking magiging model area ang Tagaytay City para sa mga LGUs na nagnanais buksan ang kanilang mga borders para palakasin ang lokal na turismo),” ani Eleazar.

Ang pagbisita ni Eleazar ay layong tiyakin na maipapatupad nang maayos ang travel at iba pang quarantine protocols alinsunod sa itinakdang guidelines ng National Task Force on Covid-19, habang binibigyan din ng diskresyon ang mga LGUs na buksan ang kani-kanilang mga ekonomiya.

Ayon kay Eleazar, ang pagbubukas ng Tagaytay City ay nangangahulugang maaari nang bumisita sa lungsod ang lahat ng tao mula sa anumang panig ng bansa nang walang travel authority, maliban na lamang sa mga nakatira sa mga general community quarantine (GCQ) areas o di kaya iyong mga nasa striktong quarantine status.

We assure the national government through the NTF on Covid-19 that we will be in constant coordination with the JTF Covid Shield to make sure that everything will always be in place in ensuring the proper balance between the need to revive our economy and the health safety of both our visitors and the people of Tagaytay City (Titiyakin namin sa pamahalaang nasyonal na makikipag-ugnayan kami sa JTF Covid Shield para masigurong mapagbabalanse ang pagbubukas ng ekonomiya at mapangangalagaan ang kalusugan ng mga bisita at residente ng Tagaytay City),” giit naman ni Mayor Tolentino.

Ayon sa alkalde, mahigpit na ipatutupad sa lungsod ang mandatoryong pagsusuot ng face mask at shield, pati na rin ang pag-obserba sa physical distancing.

LATEST

LATEST

TRENDING