PRRD, humiling sa Kongreso na magpasa ng batas para tulungan ang business sector

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: King Rodriguez (Presidential Photo)

Humiling si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lider ng Kongreso na magpasa ng mga batas na layong pabilisin ang assistance para sa business community na apektado ng Covid-19 pandemic, pahayag ng Malacañang noong Setyembre 17.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, umapela si Duterte sa pagpupulong nito kasama sina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano sa Malago Clubhouse sa loob ng Malacañang.

Dumalo rin sa nasabing meeting sina Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, head ng Senate committee on health, at House Majority Leader Ferdinand Martin Gomez Romualdez.

“Ang concern ng mga namumuhunan at negosyante na lubhang naapektuhan ng pandemya ay paano masugpo ang red tape at korapsiyon at mapaikli ang mga proseso sa government transactions,” ani Roque.

Binanggit din ni Roque na nangako ang dalawang lider ng Kongreso na pag-aaralan ang request ng pangulo.

Nakipagpulong si Duterte sa mga pinuno ng Kongreso isang linggo matapos nitong lagdaan upang maisabatas ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 na naglaan ng P165.5-bilyong pondo para tugunan ang Covid-19 response ng bansa.

Unang sinabi ni Roque na mahalaga ang Bayanihan 2 sa muling pagbubukas ng ekonomiya at pagsuporta sa mga negosyo.

Kabilang sa stimulus package ng batas ang P140 bilyong regular appropriations at karagdagang standby fund na P25.5 bilyon.

Sa ilalim ng batas, P3 bilyon ang inilaan para sa procurement ng personal protective equipment, face masks, at face shields; P4.5 bilyon para sa construction ng temporary medical isolation at quarantine facilities pati na rin ang expansion ng government hospital capacity; at P13.5 bilyon para sa emergency employment at compensation ng health workers.

Kabuuang P4.5 bilyon naman ang igugugol para pondohan ang isolation facilities, hotel accommodation, food, at transportation ng Covid-19 patients; at P5 bilyon para sa hiring ng contact tracers.

P13 bilyon naman ang inilaan para sa cash-for-work program; P9.5 bilyon para sa assistance ng public utility drivers at iba pang programa ng transportation department; P6 bilyon para sa “individuals in crisis” at iba pang programa ng social welfare department; P4 bilyon para sa tourism industry; at P4 bilyon para sa implementasyon ng blended learning ng education department.

LATEST

LATEST

TRENDING