PRRD, binigyan si Gierran hanggang Disyembre para ‘linisin’ ang PhilHealth

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
PhilHealth president at CEO Dante Gierran

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na “linisin” ni bagong PhilHealth president at CEO Dante Gierran ang Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) mula sa katiwalian pagsapit ng Disyembre, pahayag ng Malacañang noong Setyembre 17.

Gustong makita ni Duterte na malinis ni Gierran, na dating pinuno ng National Bureau of Investigation, ang PhilHealth bago ikonsidera nito ang pagbuwag o pag-privatize sa ahensya, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, “The President wants to clean up PhilHealth, and that is why the deadline given to Attorney Gierran is to enable him—or a deadline to clean up the organization (Nais ng pangulo na linisin ang PhilHealth, kaya ang deadline na ibinigay kay Atty. Gierran ay upang matulungan siyang malinis ito).”

File all the cases that need to be filed, suspend, terminate, whatever you need to do in order to cleanse the ranks of PhilHealth (Isampa ang mga kasong dapat ihain, suspendihin, tanggalin, anumang aktibidad na dapat gawin para malinis ang  mga ranngo ng PhilHealhth),” dagdag pa ni Roque.

Pinalitan ni Gierran si dating retired military general Ricardo Morales na hinikayat ni Duterte na magbitiw dahil sa iniinda nitong karamdaman.

Ang mga kontroberisyang bumabalot sa PhilHealth ay ilan lamang sa mga isyung tinalakay sa pagpupulong ng pangulo kasama sina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano noong Setyembre 17.

Sinabi ni Sotto na siya ang nagrekomenda kay Duterte na i-review ang pamumuno ni Gierran bago magpasya kung bubuwagin o gagawing pribado ang PhilHealth.

He (Duterte) said he wanted PhilHealth abolished or privatized. But I said it might be better to wait a few months and see how the new admin performs (Gusto ng pangulo na buwagin o i-privatize. Subalit, sinabi kong maghintay muna ng ilang buwan para makita kung paano magtrabaho ang bagong administrasyon),” giit ni Sotto.

Sumang-ayon din si Duterte kay Sotto sa mungkahing italaga ang finance secretary bilang chairman ng PhilHealth board, kapalit ang health secretary.

Kung matutuloy ang mungkahi, si Finance Secretary Carlos Dominguez III ang magiging chairman ng PhilHealth board mula kay Health Secretary Francisco Duque III na nasa sentro ng pambabatikos tungkol sa mga iregularidad ng PhilHealth.

Nitong linggo, inaprubahan ni Duterte ang mga rekomendasyon ng isang multi-agency task force na magsampa ng mga kaso laban sa ilang mga nakalistang opisyal ng PhilHealth, kabilang ang dati nitong pinuno na si Morales. Hindi naman kasama si Duque sa nasabing listahan.

LATEST

LATEST