DOH, pinasalamatan si PRRD dahil sa patuloy na pagtitiwala kay Duque

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Pinasalamatan ng Department of Health (DOH) noong Setyembre 16 si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa patuloy nitong pagtitiwala kay Health Secretary Francisco Duque III, habang hindi rin ito naipabilang sa mga opisyal ng PhilHealth na sinampahan ng mga kaso kaugnay ng tiwaling mga aktibidad.

“Nagpapasalamat kami sa ating Pangulo na nabigyan ng ganitong trust ang ating Secretary of Health. As we always say, mahirap magpalit ng liderato kapagka nasa gitna na po tayo ng ating sitwayon dito sa pandemic,” giit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Dagdag pa nito, “We welcome it. We are very grateful. Hopefully from hereon, we can continue to work and mas panatag ang ating pagtatrabaho dahil nagkaroon tayo ng ganitong welcome development sa ating issues.”

Inirekomenda ng inter-agency task force na nilikha ng pangulo para paimbestigahan ang PhilHealth ang pagsasampa ng mga kaso laban kay dating Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) president at CEO Ricardo Morales, at iba pang mga opisyal na sangkot sa kurapsyon sa loob ng ahensya. Inaprubahan naman ni Duterte ang mga nasabing rekomendasyon.

Gayunpaman, nilinaw ng Malacañang na hindi pa tuluyang abswelto si Duque dahil magpapatuloy pa rin ang imbestigasyon.

“Lagi naman sinasabi ni Secretary Duque na bukas ‘yung tanggapan namin pati and Philhealth sa anumang imbestigasyon na gagawin para malaman natin ang totoo,” ani Vergeire.

LATEST

LATEST

TRENDING