NCR mayors, nangangamba sa pagbabawas ng physical distancing requirement

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: KJ Rosales (The Philippine STAR)

Nababalot ng “pangamba” ang mga alkalde ng Metro Manila tungkol sa pagpapaluwag ng physical distancing rules na layong pigilan ang paglaganap ng Covid-19 sa mga pampublikong transportasyon, ayon sa representante nito noong Setyembre 14.

Nagbabala ang mga eksperto sa posibleng pag-spike sa Covid-19 cases matapos ibaba ng pamahalaan ang distancing requirements sa 0.75 meter mula sa dating isang metro. Ito ay babawasan pa ng kalahati makalipas ang dalawang linggo, ayon naman sa Department of Transportation (DOTr).

“Iyong pagbubukas po ng ating ekonomiya, hindi po dapat i-sacrifice natin ang health protocol,” giit ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez, chairperson ng Metro Manila Council. 

Dagdag pa nito, “Meron po kaming apprehension d’yan dahil iyon physical distancing, hindi po mapapairal… Alam naman po natin na hindi pa rin po natin nafa-flatten itong ating COVID-19 [curve] so we have to sustain iyong ating physical distancing.”

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III sa isang online meeting kasama ang Metro Manila mayors at pitong Cabinet secretaries noong Setyembre 13, ikokonsidera aniya ng kanyang ahensya ang planong kalahating-metrong distancing requirement.

Samantala, nagkasundo naman ang lahat ng alkalde sa Metro Manila na ipasara ang mga pampubliko at pribadong sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 upang maiwasan ang paglaganap ng Covid-19.

LATEST

LATEST