Duterte, umapela sa private hospitals na taasan ang bed capacity

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte
Kuha ni: Ace Morandante (Presidential Photo)

Dahil sa pagtaas ng bilang ng Covid-19 cases sa bansa, hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pribadong ospital na taasan ang alokasyon ng mga higaan para sa Covid-19 patients.

I’m appealing for the country and for the people… Your help will go a long way (Umaapela ako para sa tao at bayan… Malayo ang maabot ng inyong tulong),” ani Duterte noong Setyembre 14.

Ayon sa pangulo, nag-iiba-iba ang bilang ng mga impeksyon sa bansa, kung saan may mga lugar na may mabilis na recoveries habang may mga lugar namang may kabagalan.

Dagdag pa nito, “Everybody will remember someday that there is a great epidemic that passed by our lives and we were able to deal with it with a lot of mutual help (Maaalala ng lahat sa hinaharap na may kinaharap tayong epidemiya at natugunan natin ito dahil sa pagtutulungna).”

Samantala, iniulat naman ni Covid-19 National Task Force chief implementer Carlito Galvez na mahigit 1,000 additional dedicated beds para sa Covid-19 patients ang magiging available sa Nobyembre.

Tataasan din aniya ng Rizal Medical Center, Philippine General Hospital, at Batangas Medical Center ang kanilang bed capacity para sa Covid-19 patients.

It’s high time that we should modernize DOH (Department of Health). We need to modernize our hospitals (Oras na para i-modernize ang DOH. Kailangan nating i-modernize ang ating mga ospital),” apela ni Galvez kay Duterte.

Noong Setyembre 14, umabot na sa 265,888 Covid-19 cases sa bansa kung saan 53,754 ang aktibo. 4,630 katao na ang nasawi habang 207,504 naman ang gumaling.

LATEST

LATEST

TRENDING