PRRD, agarang ipinakumpuni ang isang highway sa Zamboanga Sibugay

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
 Olutanga-Alicia Road sa Zamboanga Sibugay

Matapos makita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga larawan ng maputik na Olutanga-Alicia Road sa Zamboanga Sibugay, agad na ipinag-utos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) officials sa contractor na ayusin ito.

Ayon kay Mindanao Development Authority (MinDA) Secretary Emmanuel Piñol, matapos kunin ang mga nasabing larawan at i-post sa kanyang Facebook page noon Setyembre 2, nakuha nito ang atensyon ng pangulo at agarang ipinag-utos na aksyunan ito.

With just one communication from the Office of the President addressed to DPWH road building equipment and machinery sprung into action (Mula lamang sa isang komunikasyon galing sa Office of the President sa DPWH, agad itong inaksyunan),” ani Piñol.

Agad umanong naayos ang ilang bahagi ng nasabing highway kung saan natigil ang ilang mga sasakyan nang ilang araw dahil sa malalim na putik.

“Voila! In one week, it was completed (Sa loob ng isang linggo, nakumpleto na ito),” giit ni Piñol.

Ang 29-kilometrong Olutanga-Alicia Highway ay ginagawa mula sa mahigit P900 milyong badyet galing sa Asian Development Bank (ADB).

Ayon kay Piñol, ito ay in-award sa isang Zamboanga City-based construction company na M. Abubakar Construction and Engineering, na di umano’y “hindi sapat ang kakayanan para tugunan ang proyekto.”

Dagdag pa ito, tuwing tag-ulan nagiging maputik ang daan at nilalamon ng putik ang mga sasakyan o di kaya ay nahuhulog sa gilid.

Dapat din umano itong magsilbing aral para sa lahat ng mga magsasagawa ng government projects sa Mindanao.

The President has eyes and ears in Mindanao and I also make endless rounds to make sure that people’s grievances are heard (May mata at tenga ang pangulo sa Mindanao at tinitiyak ko rin na napapakinggan ang hinanaing ng mga tao),” diin ni Piñol. 

LATEST

LATEST

TRENDING