Malacañang: Duterte, igagalang ang ulat ng Task Force PhilHealth

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Igagalang umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang findings ng multi-agency task force na inatasang mag-imbestiga tungkol sa mga alegasyon ng kurapsyon sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ayon sa Malacañang noong Setyembre 14.

Only the President can answer that question but I doubt it (Tanging pangulo lang ang makakasagot ng tanong, subalit duda ako), kasi binigyan niya nga po ng kapangyarihan na maging fact-finding yung task force na binuo niya, no,” tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang tanungin kung paano magreresponde ang pangulo sa findings ng task force na inaasahang isusumite sa kanya sa parehong araw.

Dagdag pa ni Roque, “And I think dahil siya naman ang bumuo diyan, he will accept the findings of his own task force (tatanggapin niya ang findings ng kanyang sariling task force).”

Bumuo ng task force si Duterte noong Agosto at binigyan ito ng kapangyarihan upang makapagsagawa ng lifestyle checks at magsampa ng preventive suspensions para sa mga opisyal ng PhilHealth.

Ang task force ay pinangungunahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra. Ang iba namang kabahagi nito ay mga opisyal mula sa Office of the Ombudsman, Commission on Audit, Civil Service Commission, Presidential Anti-Corruption Commission, Office of the Special Assistant to the President, Anti-Money Laundering Council, National Bureau of Investigation at National Prosecution Service.

Bukod sa findings, inaasahan ding isusumite ng task force ang mga rekomendasyon nito, kabilang ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa mga tiwaling opisyal.

Pinabulaanan naman ni Roque ang mga usap-usapan tungkol sa pag-abswelto ni Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III, bago ilabas ang findings. Si Duque ang nagsisilbing ex-officio chaiperson ng PhilHealth.

“Sa tingin ko naman po, rerespetuhin ni Presidente kung meron mang ebidensyang mahanap ang task force regardless of who is involved,” ani Roque.

Nauna namang sinabi ng pangulo kay Duque na, “if you handle a big organization…talagang magne-negligent ka, kasi hindi mo talaga mahahabol minsan.”

LATEST

LATEST