Contact tracing app, gagamitin sa transport terminals

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Eloisa Lopez (Reuters)

Ang paggamit sa contact tracing app ng pamahalaan na Staysafe.ph ay posibleng ipatupad sa mga transportation terminals sa mga darating na linggo bunsod ng pagdami ng mga establisyimentong nag-a-apply para gamitin ang nasbing app.

Ito ay kasabay sa pagpapaluwag ng pamahalaan sa mga panuntunan ng physical distancing sa mga pampublikong transportasyon.

Ayon kay Testing czar Vince Dizon, magagamit ang app sa mga transportation terminals tulad ng MRT, the LRT, at major bus terminals sa mga paparating na linggo.

Aniya, “Sa mga susunod na linggo gagamitin na ito sa transpo centers tulad ng MRT, LRT sa bus terminal para magamit na talaga at mapabilis ang contact tracing at talagang magagamit ito para mapabilis natin ang response napakaimportante po ng ating tracing.”

Noong Setyembre 8, inilunsad ang Staysafe.ph, isang libreng-to-download na Covid-19 contact tracing application para maiwasan ang paulit-ulit na pag-fill out ng contact tracing forms kung papasok sa mga establisyemento.

Kinuwestyon naman ito ni dating Information and Communications Technology Undersecretary Eliseo Rio Jr. dahil sa pangamba tungkol sa paglabag sa data privacy. 

Subalit, tiniyak ni Dizon na ang mga impormasyong makukuha ng aplikasyon ay bibigyan ng seguridad.

“‘Yung datos napupunta sa gobyerno sa Department of Health kaya makakasiguro po tayo at binabantayan po yan ng National Privacy Commission na magamit natin ang makabaong teknolohiya para mapabilis ang ating response,” ani Dizon.

LATEST

LATEST

TRENDING