Pagtatalaga ng ‘Balik-Trabaho Czar’, iminungkahi ni Hontiveros

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Mark Demayo (ABS-CBN News)

Hinikayat ni Sen. Risa Hontiveros ang executive branch na magtalaga ng isang “Balik-Trabaho Czar” para makatulong sa paglutas sa problema ng unemployment sa bansa matapos mapilitang magsara ang ilang mga negosyo dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic.

Aniya, “Sa ngayon, hindi malinaw kung sinong opisyal ng pamahalaan ang dapat nakatutok sa pagbuo at pagbalik ng trabaho para sa ating mga kababayan.”

“Tutal mahilig ang Malacañang sa pag-aapoint ng czar sa iba’t ibang bahagi ng Covid-19 response, sana ay may italaga din ng ‘Balik Trabaho Czar’ na magsisikap na ibalik ang trabaho ng milyong-milyong Pilipino ngayong panahon ng krisis,” dagdag pa ng senadora.

Ayon kay Hontiveros, kung hindi matutugunan ang problema sa unemployment, mauuwi ito sa gutom at sa mas maraming bilang ng out of school youth.

The unemployment crisis may not be an infectious disease like Covid-19, but it is spreading fast like one in communities nationwide (Bagama’t hindi nakakahawang sakit ang unemployment krisis tulad ng Covid-19, mabilis itong lumalaganap sa mga komunidad ng bansa),” ani Hontiveros.

This is an urgent problem that seriously needs utmost attention from government (Ito ay isang problemang dapat agarang tugunan ng pamahalaan),” giit nito.

Tinatayang aabot sa 4.6 milyong mga Pilipino ang nawalan ng trabaho noong Hulyo, batay sa datos ng gobyerno.

LATEST

LATEST

TRENDING