Globe, binigyan ng 190 tower permits noong Agosto

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Inanunsyo ng Globe Telecom (Globe) noong Setyembre 10 na nakakuha ito ng kabuuang 190 permits mula sa 85 local government units (LGUs) noong Agosto para sa pagtatayo ng cell sites sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng Globe na sa 190 permits na ibinigay, 37 sa mga ito ang agarang prinoseso ng 17 LGUs.

Ang agarang paglalabas ng permits ay dahil umano sa bagong pinirmahang Joint Memorandum Circular (JMC) No. 01 2020 na inilabas noong Hulyo na layong pabilisin ang pagproseso at paglalabas ng permits at iba pang dokumentong magababawas sa bilang ng araw ng paggawa sa common towers.

With the implementation of the JMC, we see that LGUs are actively working together with telcos [telecommunications companies] to improve connectivity. Even the LGUs themselves are following up on the status of our permits and how soon we can start the installation of cell towers (Sa implementasyong ng JMC, nakikita nating aktibo ang LGUs sa telcos para pagbutihin ang connectivity. Kahit ang mga LGUs mismo ay nagfo-follow up sa estado ng aming permits at kung kailan makapagtatayo),” ani Joel Agustin, Globe senior vice president for Program Delivery, Network Technical Group.

Umaasa si Agustin na mas maraming suporta ang matatanggap nila mula sa LGUs dahil sa JMC na layong paikliin ang pagproseso sa tower requirements mula sa dating average of 200 days tungo sa 16 days.

We expect more LGUs to support us because, at the end of the day, they can best serve their constituents through connectivity and use of technology especially at this time (Inaasahan naming sususportahan kami ng LGUs dahil mas mapaglilingkuran nila nang maaayos ang taumbayan sa matinong connectivity at teknolohiya lalo na sa panahon ngayon),” Agustin said.

Kabilang sa mga LGUs na tinutukoy ni Agustin ay ang Agoo, Bangued, Binalonan, Sto. Domingo at Vigan sa Northern Luzon; San Pablo, Sto. Tomas, San Jose, Mendez, Rosario, at Magdalena sa Southern Tagalog; Las Pinas; Angono at Teresa sa Rizal; Victorias at Sta. Barbara sa Visayas at Butuan sa Mindanao.

Mas napabilis ang network rollout ng Globe, matapos alisin ng 40 LGUs ang requirement na kumuha muna ng permit mula sa Sanggunian Bayan bago ang konstruksyon ng cell tower.

LATEST

LATEST

TRENDING