DWSD: Ikalawang bugso ng SAP distribution, nasa 96% na

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Edd Gumban (The Philippine STAR)

Ipinagpapatuloy pa rin ng pamahalaan ang pamamahagi ng ikalawang bugso ng ayudang pinansyal sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga mahihirap na benepisyrayong apektado ng Covid-19 pandemic.

Sa ngayon, nasa 96 percent na ang mga benepisyaryong nabigyan ng ayuda mula sa nasabing programa, ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao.

Aniya, “Presently, 96 percent na ang accomplishment para sa second tranche.”

“Ito po ‘yung mga beneficiaries na kailangan nating ibalik ang impormasyon sa lokal na pamahalaan dahil may kakulangan sa mga details na hinihingi ng ating mga financial service providers,” ani Dumlao tungkol naman sa mga benepisyaryong hindi pa nakatatanggap ng ayuda.

Kabahagi aniya sa kulang na impormasyon ay ang middle name o cellphone numbers ng mga benepisyaryo na kinakailangang makuha ng mga partner financial service providers.

May mga pamahalaang lokal din umano na kinakailangan pang mag-upload ng kanilang encoded social amelioration card forms para maproseso ang payroll para sa mga benepisyaryo.

Ayon sa ahensya, mahigit P82 bilyon na ang naipapamigay nitong ayuda sa 13.7 milyong pamilya.

We’re focused at completing the social amelioration program under Bayanihan 1 (Nakapokus kami sa pagkumpleto ng SAP sa ilalim ng Bayanihan 1),” wika ni Dumlao.

Gayunpaman, nakahanda rin umano ang DSWD na magpatupad ng anumang programang isasama sa Bayanihan to Recover as One bill o Bayanihan 2, ang ikalawang batas para ng Covid-19 response na kasalukuyan ay hinihintay na lamang ang pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“At present, ‘yung Bayanihan 2 isinumite na sa Office of the President para sa approval at signature ng ating presidente,” paliwanag ni Dumlao.

LATEST