DOH, nilinaw ang komento ni PRRD tungkol sa pagbili ng pinakamurang Covid-19 vaccine

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Nilinaw ng Department of Health (DOH) noong Setyembre 9 na tama si Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nitong bibili ang bansa ng pinakamurang Covid-19 vaccine. Subalit, binigyang diin ng ahensya na pipiliin lamang ang mga ito mula sa mga bakunang mapapatunayang epektibo ng mga international institutions.

“Tama naman si Presidente. Kung ‘yan ‘yung pinaka-mura at safe siya, efficacious, ‘yan ‘yung bibilhin ng gobyerno. Because that’s the objective pa rin naman po pag nagpo-procure ang gobyerno,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa pagkuha umano ng bakuna, dapat piliin ang mga mapapatunayang ligtas at epektibo. Kinakailangan ding pumasa ang bakuna sa regulasyon ng Food and Drug Administration at iba pang mga grupo tulad ng Health Technology Assessment Council.

“Ang isa pa na tinitignan natin – and I think this is very important – dapat ‘yung bakuna WHO pre-qualified,” dagdag pa ni Vergeire.

Ayon kay Vergeire, ang mga bakunang pre-qualified ng World Health Organization ay dumadaan sa mabusising approval process. Ito ay upang matiyak na ligtas ang bakuna at aprubado ito ng mga mapagkakatiwalaang international institutions.

Sa kasalukuyan, tinitingnan ng pamahalaan ang lahat ng mga opsyon na makabubuti para sa Pilipinas sa paghahanap ng mga manufacturers and developers.

“Tayo ang gusto natin ang pinaka-best for our population. That’s why we are trying to negotiate with all of our manufacturers. Mayroon ngang kinakausap tayo na nasa pre-clinical phase pa lang, nakikipag-usap pa rin tayo,” giit ni Vergeire.

Binanggit din ni Vergeire na nilagdaan na ng bansa at ipinadala na ang Confidential Disclosure Agreement para sa dalawang Chinese-developed Covid-19 vaccines.

Our Department of Science and Technology has already transmitted a copy of an electronically signed confidentiality disclosure agreement to Sinovac. A copy of the original signed CDA will be submitted to Sinovac through the Chinese Embassy in Manila (Nagpadala na ng kopya ang DOST tungkol sa confidentiality disclosure agreement sa Sinovac. Magpapadala naman ng orihinal sa CDA sa Sinovac sa pamamagiatan ng Chinese Embassy sa Manila).”

Kaparehong proseso rin ang pinagdaanan ng Sinopharm sa pamamagitan ng DOST.

Ang Sinovac at Sinopharm na parehong galing sa China ay ilan lamang sa mga Covid-19 vaccine frontrunners.

Sinabi naman ni Vergeire na aalamin pa nila ang mga negosasyon sa mga bakunang ginawa naman ng CSL at ng University of Queensland.

LATEST

LATEST

TRENDING