PRRD, hiniling ang agarang paggaling ni resigned Japanese PM Abe

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte habang tinatawagan si resigned Japanese Prime Minister Shinzo Abe

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buo at agarang paggaling ng nagbitiw na si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono noong Setyembre 7.

Si Duterte at Abe ay nagkaroon ng produktibong pag-uusap sa loob ng 25 minuto noong hapon ng Lunes, kung saan pinasalamatan ng pangulo ang Japanese prime minister para sa tulong ng Japan sa Pilipinas sa iba’t-ibang sektor katulad ng imprastraktura at defense.

President Duterte personally conveyed his best wishes for Prime Minister Abe’s speedy and full recovery and extended appreciation for the Prime Minister’s valuable contribution in the strengthening of the Philippines-Japan Strategic Partnership (Ipinahayag ni Pangulong Duterte ang kanyang best wishes para sa buo at agarang paggaling ni Prime Minister Abe at pinasalamatan din ito para sa kanyang naging kontribusyon sa pagpapalakas ng Philippines-Japan Strategic Partnership),” pahayag ng Malacañang.

Inanunsyo ni Abe ang kanyang pagbibitiw noong Agosto 18 dahil sa iniinda nitong ulcerative colitis.

Ayon naman sa Palasyo, ipinahayag din ng pangulo ang kanyang pagnanais na palakasin ang pang-ekonomikong pakikipag-ugnayan sa Japan. Tiniyak naman ni Abe na tutugon ang Japan sa pagpapalakas ng ugnayan nito sa Pilipinas.

Si Abe ang kauna-unahang lider na bumisita kay Duterte sa Pilipinas noong 2016 nang ito ay mahalal bilang pangulo. Nagtungo rin ito sa tahanan ng pangulo sa Davao City noong 2017.

LATEST

LATEST