Pamahalaan, hinikayat na payagang lumahok ang publiko sa budget preparation

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Dapat aniyang payagan ng pamahalaan ang publiko na lumahok sa budget deliberations alinsunod sa paghahanda nito at hindi lamang sa aktwal na legislation, pahayag ng isang grupo noong Setyembre 8.

Naunang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na papahintulutan ng Kamara ang paglahok ng publiko sa budget hearings sa pamamagitan ng social media.

Ang paglahok umano ng publiko sa budget deliberations ay hindi na bago, ayon naman kay Zy-za Suzara, executive director ng Institute for Leadership, Empowerment and Democracy (ILEAD).

Ang Pililipinas ay kabilang aniya sa mga nangungunang bansa na mayroong “open budget participation,” dagdag pa nito.

If there’s real intent to allow citizens to participate and propose their own projects that would be best done during budget preparation process where there’s more time to deliberate on it, more time for government agencies to actually consult CSOs (civil society organizations) (Kung may tunay na intensyong payagan na makalahok ang mga mamamayan at magpanukala ng kanilang mga proyekto, mas maisasakatuparan ito sa budget preparation process kung saan may sapat na oras para pag-usapan ito, at mas maraming oras para konsultahin ang CSOs),” paliwanag ni Suzara.

Ang paggamit naman ng social media ay taliwas umano sa “grassroots na hindi napagseserbisyuhan,” dagdag pa nito.

It makes one wonder how meaningful and significant the process of participation in budget deliberation will be (Magtataka ka kung gaano ka importante ang proseso ng partisipasyon sa budget deliberation),” ani Suzara.

Sa ilalim ng ipinapanukalang P4.5 trilyong budget para sa 2021, makakukuha ng P1.107 trilyon ang “Build, Build, Build” infrastructure program ni Pangulong Rodrigo Duterte na layong makapaglikha ng mahigit 200,000 na mga trabaho habang milyun-milyon ang nawalan ng hanapbuhay sa panahon ng Covid-19 pandemic.

LATEST

LATEST

TRENDING