WHO: Malawakang pagbabakuna kontra Covid-19, posibleng sa gitna ng 2021 pa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Hindi umaasa ang World Health Organization (WHO) na magkakaroon ng malawakang pagbabakuna laban sa Covid-19 hanggang sa kalagitnaan ng 2021, pahayag ni WHO spokesperson Margaret Harris noong Setyembre 4.

Kasalukuyang may 34 vaccines sa buong mundo na nagsasagawa ng human trials, ayon sa WHO, kabilang din ang 142 vaccine candidates na kasalukuyan ay nasa pre-clinical trial phase.

Ang pahayag ni Harris ay kasabay nang paglabas ng unang peer-reviewed results sa phase one at phase two clinical trials ng Russian coronavirus vaccine – na itinuturing na kauna-unahang inaprubahang Covid-19 vaccine na maaaring magamit ng publiko.

Ang mga nasabing mga resulta ay inilathala sa prestihiyosong medical journal na The Lancet.

Bagama’t hindi binanggit ni Harris ang tungkol sa Russian vaccine, binigyang diin nito ang kahalagahan ng safety at efficiency checks, at sinabing “mas magtatagal” ang phase three trials upang matiyak kung gaano ka epektibo at ligtas ang anumang bakuna.

Ayon naman sa mga siyentipikong hindi kabilang sa pag-aaral ng Russian vaccine, bagama’t positibo ang mga nilabas na resulta, makukumpirma lamang ang pagiging epektibo ng Covid-19 vaccine kung sasailalim ito sa phase three trials.

LATEST

LATEST

TRENDING