Palasyo, ipinag-utos ang reshuffling sa regional offices ng PhilHealth, BOC, at NBI

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 31 ang reshuffling ng regional offices sa tatlong ahensya ng pamahalaan sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw para masugpo ang katiwalian sa mga nasabing tanggapan.

Ang mga ahensyang ito ay ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Bureau of Customs (BOC), at National Bureau of Investigation (NBI).

Ipinahayag ni Duterte ang kanyang utos kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero at bagong PhilHealth President at Chief Executive Officer Dante Gierran, na dumalo sa lingguhang Inter-Agency Task Force on the Management of Infectious Diseases (IATF) meeting noong Lunes.

I want to see a reshuffle of different regional offices within the next two or three days. That goes for the NBI and PhilHealth (Gusto kong makakita ng reshuffle sa iba’t-ibang regional offices sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw),” ani Duterte.

Ayon kay Duterte, ang mga hindi magbibitiw sa kani-kanilang mga posisyon bagama’t naiuugnay sa kurapsyon ay dapat direktang mag-report sa kanya.

I will ask them to do a research on how not to serve the government properly (Uutusan ko silang magsaliksik kung paano ang hindi maayos na paglilingkod sa pamahalaan),” wika ni Duterte.

Binanggit din ng pangulo na ang mga regional vice presidents ng PhilHealth ay kinakailangan aniyang matanggal sa puwesto.

Aniya, “Remove all the regional vice presidents — whether performing at par, or in parity, with the other good ones. You know if they [have been] there for so long a time, the element of familiarity always enters the picture. That’s what complicates things (Tanggalin ang mga regional vice presidents kahit yung mga maayos o yung kasama ng mga matitino. Kung nandoon na sila nang matagal, nagiging pamilyar na. Ito ang nagpapagulo sa mga bagay-bagay).”

Naunang inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang agarang pagsibak sa lahat ng regional directors ng PhilHealth, dahil ilan sa mga ito umano ang nasa likod ng “mafia” sa ahensya na siyang pasimuno ng mga kurap na aktibidad.

Sa kanyang talumpati, binanatan din ni Duterte si Guerrero at sinabing umaasa ito sa mga taong matatagal na sa ahensya. Sinabi ng pangulo na humiling ng karagdagng armas ang Customs chief para sa kanyang mga empleyado, subalit hindi naman sila nakapatay ng kahit sinumang sangkot sa iligal na droga.

“Sabi ko diretso ‘Ang droga pumapasok pa rin.’ Gusto ko pumatay ka diyan ng… Tutal back up-an kita, hindi ka makulong. Basta droga, barilin, patayin mo. Iyan ang usapan eh,” giit ng pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING