Bagong PNP chief, nais i-review ang kampanya kontra iligal na droga

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
PNP chief Lt. Gen. Camilo Cascolan
Kuha ni: Boy Santos (The Philippine STAR)

Ipinahayag ng bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) noong Setyembre 2 na maglulunsad siya ng evaluation sa estratehiyang ginagamit ng administrasyon sa pagpapatupad ng anti-drug campaign.

Ayon kay Police General Camilo Cascolan, ang pagpapabuti sa protocols sa laban kontra ilgal na droga ang isa sa magiging prayoridad sa kanyang dalawang buwang panunungkulan bilang pinuno ng PNP.

Sinabi rin ni Cascolan na tinitingnan niya ang paggawa ng isang technical working group na makakapagtukoy sa mga pagkukulang ng ahensya at para ma-revamp ang drug war program ni Pangulong Rodrigo Duterte, na umani ng pambabatikos mula sa human rights advocates at mga organisasyon sa bansa at abroad.

The strategy on the war on drugs was (formulated) last 2016. This needs to be evaluated now (Ang estratehiya sa war on drugs ay ginawa noong 2016. Kinakailangan itong i-evaluate ngayon),” ani Cascolan.

Dagdag pa ng PNP chief, “The main problem of our society today is drugs. I wish that I would be able to evaluate it properly, come up with a contingency plan, and come up with a new phase of the anti-drug war (Ang pangunahing problema ng ating lipunan ay droga. Sana ma-evaluate ko ito ng maayos, makagawa ng contingency plan, at makabuo ng bagong phase ng anti-drug war).”

Halimbawa, sinabi ni Cascolan na dapat ibahin ng kampanya ang pokus nito patungo sa high-value drug targets— o mga indibidwal na pasimuno sa drug problem ng bansa.

Iginiit ng PNP chief ang pagkakaroon ng “networks” para maanalisa ang mga sangkot sa iligal na droga.

Nangangailangan din ng mga maraming trained drug enforcement units para makatulong sa inisyatiba ng pamahalaan.

Hinawakan ni Cascolan ang ikalawang pinakamataas na posisyon sa PNP bilang Deputy Chief for Administration. Siya ay pormal na naging PNP chief sa ginanap na change of command noong Setyembre 2.

Samantala, sinabi naman ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva na minimintena ng ahensya ang estratehiya nito sa laban kontra iligal na droga: ang supply reduction, demand reduction, at harm reduction.

Nakikipagkoordinasyon din umano ang PDEA sa Bureau of Customs para palakasin ang mga hakbang kontra drug smuggling.

LATEST

LATEST

TRENDING