Enrollees sa private schools, mababa bagama’t mataas ang kabuuang bilang ng enrollees sa bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Education Secretary Leonor Briones
Larawan mula sa: Manila Bulletin

Ibinunyag ng Department of Education (DepEd) na mababa pa rin ang bilang ng mga private school students na nagpa-enroll nagyong taon, bagama’t humigit sa ekspektasyon ang kabuuang bilang mga mga enrollees.

Ito ang iniulat ni Education Secretary Leonor Briones kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isang televised briefing noong Agosto 31.

Aniya, “As of this morning, abot na ng 23.9 million learners ang nag-enroll… (Ang) original target natin, sabi namin kung makuha lang natin 80 percent of last year’s enrollment because of COVID and the downturn in the economy, ok na ‘yan. Yan ang aming commitment sa NEDA.”

Ayon kay Briones, ang bilang na ito ay 86.8 percent kumpara sa enrollees noong nakaraang taon.

Subalit, karamihan ng enrollees ay mula sa mga pampublikong paaralan, kung saan inaasahang papasok ang 97 percent ng mga estudyante noong nakaraang taon.

Samantala, 43 percent lamang aniya ng mga mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan ang nagpa-enroll. Kabilang na rito ang mga nagpa-enroll sa alternative learning programs na kadalasan ay pumapasok sa gabi.

Kung walang trabaho at kita, hindi nila maipagpapatuloy ang pag-aaral.

Ayon sa kalihim, posible itong magbago sa pagbubukas ng ekonomiya.

“But we believe with the opening of the economy, makakuha na ulit ng trabaho ang mga parents, ang OFW may trabaho na sila. Kasi karamihan ng OFWs usually send their children to private schools,” ani Briones.

Binanggit din ng kalihim na patuloy ang DepEd sa pagsasagawa ng dry runs para sa blended learning methods na gagamitin ngayong school year, kung saan 516 na mga paaralan sa bansa ang lumahok na sa nasabing trial.

LATEST

LATEST

TRENDING