Duterte: 33k na mga kolehiyong estudyante, makatatanggap ng P30,000 na ayuda bawat isa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 31 na tinatayang 33,000 na mga anak ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa kolehiyo ang makatatanggap ng one-time ₱30,000 na cash assistance.

Ang mga kwalipikadong benepisyaryo sa nasabing grant ay ang mga kolehiyong anak ng displaced, non-returning, repatriated, o nasawing OFWs na apektado ng Covid-19 pandemic.

Ang tatanggap na estudyante ay dapat naka-enroll o may planong magpa-enroll sa isang state university o college o sa private higher education institutions na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED).

The project will be allotted with the amount of ₱1 billion which will benefit about 33,000 students from OFW families (Ang proyektong ito na may P1 bilyong badyet ay makatutulong sa 33,000 na mga mag-aaral ng mga pamilyang may OFWs),” ani Duterte sa nasabing proyekto, na inorganisa sa ilalim ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education o UniFAST ng CHED.

Nag-ulat naman si Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Duterte na tinatayng 174,000 OFWs ang ni-repatriate simula noong Abril.

May daily average naman aniya na 1,500 OFWs ang umuuwi ng bansa dahil sa pandemiya, dagdag pa ng kalihim.

Noong Agosto 17, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nakapag-uwi ang mga OFWs ng $2.737 bilyon noong Hunyo — katumbas ng 7.6 percent growth mula sa personal remittances na naitala sa parehong buwan noong 2019.

LATEST

LATEST

TRENDING