Lorenzana: PH, malaki ang utang na loob sa frontliners

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Defense Secretary Delfin Lorenzana

Sa paggunita ng bansa sa National Heroes’ Day, pinahalagahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga frontliners na tumutulong sa laban kontra Covid-19.

Sa isang pahayag, sinabi ni Lorenza na malaki ang “utang na loob” ng bansa sa mga bagong bayani — ang “magigiting” na frontliners, mga sundalo, airmen, sailors, at marines, at ang mga “hindi makasariling” mga mamamayan na patuloy na naglilingkod sa bansa bagama’t nahaharap sa mga hamong dulot ng pandemiya.

Kinilala rin ni Lorenzana ang naging sakripisyo ng mga nagdaang bayani, na nabuhay at namatay alang-alang sa pagseserbisyo sa bansa.

Today (Monday), we commemorate and celebrate the bravery, heroism, and patriotism of our heroes, the men and women before us, who have lived and died in service to our country to build a just, peaceful and prosperous nation (Ngayon, ginugunita natin ang katapangan, kabayanihan, at patriyotismo ng ating mga bayani, na nabuhay at namatay sa pagseserbisyo sa bansa para maitaguyod ang maayos, mapayapa, at maunlad na bayan),” ani Lorenzana.

Dagdag pa ng kalihim, “Let this day serve as a reminder for us to unite and support each other as we recover from the effects of the pandemic as well as work together to safeguard our communities from the threat of criminality, terrorism and violent extremism (Nawa’y maging paalala ang araw na ito para tayo’y magkaisa at suportahan ang bawat isa sa pagbangon mula sa epekto ng pandemiya pati na rin ang sama-samang pagkilos para sugpuin ang banta ng kriminalidad, terorismo, at marahas na ekstremismo).”

Pinaalalahanan din ni Lorenzana ang mag Pilipino na ipakita sa mundo ang diwa ng “Bayanihan” at pag-ibig para sa bayan.

LATEST

LATEST

TRENDING