Duterte: Isang ‘tunay na kaibigan’ si Japanese Prime Minister Abe

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Japanese Prime Minister Shinzo Abe at Pangulong Rodrigo Duterte
Larawan mula sa: Malacañang

Nagbigay pugay si Pangulong Rodrigo Duterte sa nagbitiw na si Japanese Prime Minister Shinzo Abe at ipinagdasal ang agaran nitong paggaling noong Agosto 29.

Sa isang pahayag, kinilala ni Duterte si Abe bilang “lider na may bisyon at matatag na determinasyon.”

The bilateral relations between the Philippines and Japan, now a strategic partnership, greatly flourished during his tenure (Ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Japan, na ngayon ay strategic partnership, at umusbong sa kanyang panunugkulan),” ani Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, “What we have worked for and achieved together lays the foundation for an even closer friendship and cooperation between our countries in the future (Ang aming naitaguyod ay magbibigay pundasyon sa mas matatatag na pakikipagkaibigan at kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa hinaharap).”

Inanunsyo ng 65-anyos na si Abe ang kanyang resignasyon noong Agosto 28 dahil sa lumalalang sakit na ulcerative colitis.

Para kay Duterte, isang “tunay na kaibigan na mas malapit pa sa kapatid” si Abe.

He is – to me and the Filipino people – a true friend closer than a brother (Siya ay isang tunay na kaibigan na mas malapit pa sa kapatid para sa akin at sa sambayanang Pilipino),” giit ng pangulo.

Dagdag pa nito,”To Prime Minister Abe, I pray for your speedy and full recovery (Para kay Prime Minister Abe, ipinagdadasal ko ang iyong agarang paggaling)!”

Binanggit din ng pangulo na malugod na tinaggap ni Abe ang kanyang imbitasyon para bisitahin ang kanyang tahanan sa Lungsod ng Davao noong 2017.

I will not forget Prime Minister Abe’s kindness and strength of character (Hindi ko malilimutan ang kabutihan at karakter ni Prime Minister Abe),” pag-alala ni Duterte.

Apat na beses nang pumunta si Abe sa Pilipinas – una noong 2013, ikalawa sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit noong 2015, ikatlo ang 2-day official visit noong Enero 2017, at panghuli ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders’ Summit noong Nobyembre 2017.

LATEST

LATEST

TRENDING