Duterte, nais ibangon ang bansa sa pamamagitan ng P4.5 trilyong 2021 badyet

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte
Kuha ni: Simeon Celi, Jr. (Presidential Photo)

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na “maibabalik sa daan” ang Pilipinas dahil sa panukalang P4.506 trilyong 2021 budget na layong pondohan ang pagbangon ng bansa mula sa Covid-19 pandemic.

Ang panukalang 2021 budget, na mas mataas ng 9.9 percent kumpara sa P4.1 trilyong spending plan ngayong taon, ay layong palakasin ang mga hakbang  ng pamahalaan laban sa Covid-19, ayon sa mensahe ni Duterte sa Kongreso.

My task and yours at this moment of our history, is to get us back on the road (Ang tagubilin ko sa inyo ngayon ay ibalik tayo sa daan),”ani Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, “Now more than ever, the government must assert its role in responding to the threats of this virus and its fallout if it is to make the nation and its economy stronger and more agile (Ngayon, dapat idiin ng pamahalaan ang papel nito sa pagresponde laban sa banta ng virus at sa epekto nito sa ating bansa at ekonomiya).”

Bumagsak sa resesyon ang bansa sa kauna-unahang pagkakatoon sa halos 30 taon matapos ang pinakamahaba at pinakastriktong lockdown sa kasaysayan ng mundo para masugpo ang pandemiya, bagama’t patuloy pa rin ang pag-akyat sa bilang ng mga kaso ng Covid-19.

Sa ilalim ng 2021 badyet, makakukuha ang “Build, Build, Build” infrastructure program ng P1.107 trilyong alokasyon at inaasahan itong maglilikha ng mahigit 200,000 na mga trabaho, habang marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemiya.

Para naman tugunan ang krisis pangkalusugan, maglalaan ang pamahalaan ng P212.4 bilyon para i-upgrade ang healthcare system ng bansa.

P117.8 bilyon naman ang ilalaan para sa agriculture sector para gawing moderno ang food production at matiyak ang seguridad.

Nasa P2.3 bilyon naman ang inilaang suporta para sa micro, small, and medium enterprises.

LATEST

LATEST

TRENDING