Pitong staff ni Rep. Paolo Duterte, nag-resign

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
House Deputy Speaker Paolo Duterte

Pitong miyembro ng congressional staff ni House Deputy Speaker Paolo Duterte ang naghain ng kanilang “irrevocable” resignation matapos sabihan ng isa namang mambabatas ang kanyang chief of staff na mag-resign.

Noogn Agosto 27, kinumprima ni ACT-CIS Representative Eric Yap na pitong empleyado ni Rep. Duterte ang nagbitiw sa puwesto matapos pagsabihan ni Yap ang chief of staff na si Sherwin Prose Castañeda na mag-resign dahil sa mga umano’y “pagkukulang”.

Kinumpirma ni Duterte kinalaunan ang nangyaring mass regisnation sa kanyang tanggapan.

“For the details on why they resigned I think it would be best if Atty. Castañeda should answer that question because for me tapos na ang lahat and we parted ways na maayos,” ani Duterte.

Si Yap ang nagrekomenda kay Castañeda para i-hire ni Duterte.  Noong nagbitiw si Castañeda, sumunod naman ang anim na miyembro ng staff.

Ang mga ito ay sina:

  • Editha Vitto, legislative officer II
  • Emily Baylon, political affairs assistance III
  • Rex Barcenas, consultant
  • Denver Chua, supervising legislative staff officer
  • Ava Dominique de Leon, legislative staff assistant II
  • Gilmark Caasi, political affairs assistant II

“Ako kasi nag-endorse, ako nagpasok… Ako nagpakilala [kay Duterte]. So may mga lapses kasi while nasa Davao si Cong Pulong because of the lockdown. May mga lapses so I asked him to resign na lang,” giit ni Yap.

Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Yap kung anu-ano ang mga naging pagkukulang ni Castañeda.

“Parang unfair na rin kay Sherwin [‘pag sinabi ko pa]. Minor lapses lang. Ang sa akin kasi, one-strike policy,” dagdag pa ni Yap.

Sa kanilang liham para kay Duterte, binanggit ng mga staff na epektibo ang kanilang resignasyon simula Agosto 15.

Kasalukuyan namang naghahanap si Duterte ng mga papalit sa kanyang mga nagbitiw na staff sa tulong ni Yap.

Plano nitong dalhin ang kanyang mga “pinagkakatiwalaang” staff mula sa kanyang district office sa Davao City para tumulong sa kanyang tanggapan sa Batasang Pambansa.

LATEST

LATEST

TRENDING