Año, nag-endorso ng 3 pangalan kay PRRD para sa susunod na PNP Chief

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Bullit Marquez (AP Photo)

Nag-endorso ng tatlong pangalan kay Pangulong Rodrigo Duterte si Interior Secretary Eduardo para sa hahalili kay Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa.

Nakatakdang magretiro si Gamboa sa Setyembre 3, pagtungtong niya ng 56 – ang mandatoryong edad ng retirement para sa uniformed personnel.

Subalit, hindi isinapubliko ni Año ang mga nasabing pangalan kahit ang kanilang mga ranngo.

Si Año ang umuupong chairperson ng National Police Commission (NAPOLCOM), ang policy-making body ng PNP.

I submitted three names to the President (Nagsumite ako ng tatlong pangalan sa pangulo),” ani Año.

Dagdag pa niya, “I cannot reveal the names and ranks. The President may choose from the list or he has also the discretion to appoint anyone from all the generals of the PNP (Hindi ko ibubunyag ang pangalan at ranggo. Ang pangulo ang pipili sa listahan ngunit mayroon din siyang diskresyon na magtalaga ng kahit sinong heneral ng PNP).”

Ayon sa mga panuntunan, dapat piliin ng pangulo mula sa mga inirekomenda ng NAPOLCOM na binubuo ng “most senior and qualified officers in the service.”

Nangangahulugan itong maaaring maging PNP chief ang mga opisyal na may one star rank o pataas.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi pa pumipili ang pangulo kung sino ang susunod na mamumuno sa mga kapulisan, subalit inaasahan namang mag-aanunsyo ito sa “takdang panahon.”

Noong 2016, itinalaga ni Duterte ang noo’y chief superintendent (one star rank) na ngayon ay si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa bilang PNP chief, kung saan naging mukha ito sa inilunsad na kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.

Ang “most senior” na mga opisyal ng PNP sa ngayon ay si Deputy Chief for Administration PLtGen. Camilo Cascolan, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) ‘Sinagtala’ Class of 1986.

Naging matunog naman ang mga sumusunod na pangalan na puwedeng pumalit kay Gamboa:

Metro Manila Police chief PMGen. Debold Sinas, na inaasahang magreretiro sa Mayo 2021.

Directorate for Operations chief PMGen. Emmanuel Licup, na magreretiro sa Abril 2021.

Region 4-A (CALABARZON) Police chief PBGen. Vicente Danao, ang pinakabata sa mga posibleng maluklok bilang PNP chief, na may dalawa pang taon bago magretiro.

Tinanggihan naman ni Año ang usapin tungkol sa term extension para kay PNP Chief Gamboa.

Ayon sa PNP Law, puwede ang pag-extend sa termino ng PNP Chief tuwing may national emergency na idineklara ng Kongreso.

Noong 2018, in-extend ni Duterte ang termino ni dating PNP chief Dela Rosa. Natakda itong magretiro noong Enero 2018 subalit pinalawig pa ito nang tatlo pang buwan. Noong Mayo 2018, itinalaga naman ito ng pangulo bilang pinuno ng Bureau of Corrections.

LATEST

LATEST

TRENDING