Roque: Duterte, walang seryosong sakit

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Walang seryosong sakit at nananatiling “malusog” si Pangulong Rodrigo Duterte bagama’t may edad na ito, pahayag ng Malacañang noong Agosto 26.

“As of now, he (Duterte) has really no serious condition. And I’d like to say to those who wish the President ill (Sa mga nananalangin na sana magkasakit ang pangulo), sorry na lang po kayo because God has given the President good health (dahil binigyan ng malakas na pangangatawan ng Diyos ang pangulo),” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sinabi ito ni Roque matapos abisuhan ng kanyang doktor ang 75-anyos na si Duterte na ihinto na ang pag-inom dahil nalalapit na sa “Stage 1 cancer” ang iniinda nitong Barrett’s esophagus.

Ang Barrett’s esophagus ay isang kondisyon kung saan pinapalitan ng mga tissues na kapareho sa linya ng intestine ang mga tissue lining ng esophagus, batay sa depenisyon ng Washington-based National Institute of Diabetes at Digestive Kidney Diseases.

Ang mga taong may Barrett’s esophagus, ay mas malaki ang posibilidad na magkakaroon ng isang bihirang uri ng kanser na kung tawagin ay esophageal adenocarcinoma.

Nilinaw ni Roque na matagal na ang naturang abiso ng doktor ng pangulo, kung saan nangyari umano ito bago pa man maging pangulo si Duterte.

Dagdag pa ni Roque,  “He is fit and healthy for a person his age. And that’s why he doesn’t drink, he doesn’t smoke, he has no vices as president because he wants to be in good and healthy condition (Malusog siya para sa kanyang edad. Kaya hindi siya umiinom, naninigarilyo, o nagbibisyo bilang pangulo dahil nais niyang manatiling malusog).”

Bukod sa Barrett’s esophagus, naunang inamin din ni Duterte na mayroon siyang Buerger’s disease, isang bihirang sakit ng mga arteries at veins sa mga braso at binti.

May myasthenia gravis din ang pangulo, isang chronic autoimmune neuromuscular disease na pinapanhina ang skeletal muscles na responsable para sa paghinga at paggalaw ng katawan.

LATEST

LATEST

TRENDING