Duterte admin, nakakuha ng mataas na approval rating sa pagtugon sa mga problema ng bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Karamihan sa mga Pilipino ang nagpahayag ng pagkakuntento sa pagresolba ng administrastyong Duterte sa mga isyung kinakaharap ng bansa, ayon sa isinagawang survey ng Publicus Asia Inc.

Ayon sa resulta ng Publicus 2020 Pahayag SONA survey noong Agosto 1 hanggang 11, nakatanggap ang pamahalaan ng pinakamataas na approval scores sa pagbibigay ng technical-vocational at tertiary education (75.27 percent), pagbibigay ng dekalidad na primary at secondary education (74.8 percent), at pagresponde sa mga natural na kalamidad.

Mataas na approval rating din ang naitala para sa pagtugon sa pangangailangan ng overseas Filipino workers (70.87 percent), pagpapaigting sa food security (70.74 percent), pagmintena ng peace and order (70.2 percent), at pagtulong sa mahihirap (70.06 percent).

Kuntento rin ang mga Pilipino sa pagsusulong ng turismo(69.87 percent), paglaban sa kurapsyon (69.8 percent), pagpapalawig ng ekonomiya (68.87), paglikha ng trabaho (68.86 percent), at pag-develop ng imprastraktura (68.6 percent).

Nagustuhan din ng mga Pilipino ang pagpapabuti sa energy security (66.27 percent), pagsugpo ng terorismo (65.4 percent), pagresolba sa isyu ng komunismo (63.53 percent, pagpapabuti ng internal relations (61.86 percent), at pag-manage ng inflation (61.67 percent).

Umani rin ng magandang approval scores ang pamahalaan sa pagpapanatili ng soberanya (58.13 percent) at pagsusulong ng free speech (56.87 percent).

64.6 percent naman ng mga Pilipino ang nagsasabing kuntento sila sa trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakalipas na taon, ayon sa Publicus.

Pinakamataas ang approval rating ni Duterte sa kanyang balwarte sa Mindanao (79.1 percent), na sinundan ng Metro Manila (66.9 percent), Visayas (64.7 percent), North Central Luzon (61. Percent), at South Luzon (51.7 percent).

Kinapanayam ng Publicus ang 1,500 adult respondents na mga rehistradong botante at residente ng Pilipinas.

Nagsagawa ang polling firm ng independent at non-commissioned survey.

LATEST

LATEST

TRENDING