Mataas na opisyal ng PhilHealth, nag-resign

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
PhilHealth Senior Vice President for Legal Sector Rodolfo del Rosario Jr

Naghain ng kanyang resignation si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Senior Vice President for Legal Sector Rodolfo del Rosario Jr., habang nagdesisyon din si PhilHealth President at CEO Ricardo Morales na magbitiw sa puwesto noong Agosto 26.

Ayon kay Del Rosario, nag-resign siya alinsunod sa kapsayahan ni Ombudsman Samuel Martires nitong buwan kung saan inilagay ito sa anim na buwang preventive suspension nang walang pasahod habang iniimbestiagahan ang mga anomalya sa PhilHealth.

As I cannot afford to be unemployed for the next 6 months, and understanding that the Corporation would need an SVP Legal in these trying times, I have tendered my irrevocable resignation effective August 24, 2020. This was a painful decision (Dahil hindi ko kayang mawalan ng trabaho nang anim na buwan at dahil nangangailangan ang korporasyon ng SVP Legal ngayong mga panahong ito, nagdesisyon akong mag-resign epektibo sa Agosto 24, 2020. Masakit ang desisyong ito),” pahayag ni Del Rosario.

Si Del Rosario ay pinangalanan ni Senador Panfilo Lacson bilang isa sa mga PhilHealth officials na nagmamanipula sa financial records ng PhilHealth sa pamamagitan ng isang “mafia syndicate” sa loob ng ahensya.

Samantala, sinabi naman ni Morales na ihahain niya ang kanyang resignation sa Agosto 26 matapos abisuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba na sa puwesto dahil sa iniinda nitong sakit.

LATEST

LATEST

TRENDING