Malacañang: Pagbibitiw ni Morales sa PhilHealth, ‘personal’ na desisyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
PhilHealth President at CEO Ricardo Morales

“Personal” umanong kapasyahan ang ginawa ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president at chief executive officer Ricardo Morales na sundin ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba na ito sa puwesto, paglilinaw ng Malacañang noong Agosto 26.

(The) matter of resignation is the personal decision of the appointee. And if it is indeed filed, then it becomes my obligation to make it public (Ang resignation ay personal na desisyon ng appointee. Obligasyon kong isapubliko ito kung talagang inihain ito),” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sinabi ito ni Roque matapos inanunsyo ni Morales na isusumite niya ang kanyang resignation kay Executive Secretary Salvador Medialdea sa parehong araw.

Ang resisnasyon ni Morales ay nangyari matapos ipahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra noong Agosto 25 na sinabi aniya ni Duterte na mas mabuti kung magbibitiw na si Morales dahil sa kanyang kondisyon.

Hindi naman nagbigay ng detalye si Roque kung ano ang naging tagubilin ng pangulo kay Morales.

Si Morales, isang retired Army general, ay itinalaga para pamunuan ang PhilHealth noong Agosto 2019.

Kasalukuyan itong naka-medical leave dahil sa gamutan para sa sakit na lymphoma o cancer of the lymph nodes.

Ang pagbubunyag ni Morales tungkol sa kanyang sakit ay nangyari matapos ipag-utos ni Duterte ang pagbuo ng task force para paimbestigahan ang mga katiwalian sa loob ng PhilHealth.

May isang buwan simula Agosto 7 ang task force, sa pangunguna ni Guevarra, upang magsagawa ng imbestigasyon.

Umalingawngaw ang kontrobersya sa PhilHealth matapos ibulgar ng resigned anti-fraud legal officer na si Thorsson Montes Keith na lahat ng miyembro ng PhilHealth executive committee ay nagbulsa umano ng aabot sa P15 bilyong pondo ng ahensya.

May “mafia” rin umano sa loob ng ahensya.

Sa kanyang taped address sa PTV-4, binanggit ni Duterte na gagamitin niya ang nalalabing dalawang taon sa puwesto para habulin ang mga kurap na opisyal at empleyado ng PhilHealth.

LATEST

LATEST

TRENDING