Duterte sa mga nagsusulong ng RevGov: “Wala akong pakialam diyan”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kaugnayan siya sa pagsusulong ng isang grupo para sa pagtatatag ng revolutionary government.

“Wala akong pakialam diyan, wala akong kilala sa mga tao na ‘yan, at hindi ko iyan trabaho,” giit ng pangulo.

Noong nakaraang linggo, naglunsad ng event ang grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee para ipahayag ang pagsuporta para sa pagtatatag ng revolutionary government na pangungunahan ni Duterte. Sa pamamagitan nito, mapabibilis umano ang pagtransisyon ng bansa sa pederalismo bago bumaba sa puwesto si Duterte sa 2022.

Dagdag pa ng grupo, revolutionary government lamang ang lunas para sa “lahat ng sakit sa lipunan” nang hindi inaamyendahan ang Saligang Batas.

Noong 2017, nagbanta si Duterte na magdedeklara ng revolutionary government para ayusin ang mga problema ng bansa.

Sa ngayon, wala pang hakbang na isinasagawa sa Kongreso tungkol sa pag-amyenda ng Saligang Batas dahil nakatuon umano ang mga mambabatas sa laban kontra Covid-19.

Ayon naman sa Integrated Bar of the Philippines, dapat aniyang pigilan ang layunin ng grupo.

There is no legal basis for any revolutionary government (Walang ligal na batayan para sa pagtatayo ng revolutionary government),” ani Integrated Bar of the Philippines President Domingo Cayosa.

Dagdag pa niya, “Because the essence of a revolutionary government is that it is established outside the law — extraconstitutionally, extralegally (Dahil ang diwa ng revolutionary government ay ang pagtatatag nito nang labas sa batas).”

Nagpahayag din ng agam-agam si Pangalawang Pangulo Leni Robredo sa mga kumakalat na usapin hinggil sa revolutionary government mula sa mga tagasuporta ni Duterte.

Ayon kay Robredo, “iligal” ang nataurang inisyatiba at layon nitong ibasura ang Konstitusyon.

LATEST

LATEST

TRENDING