Duterte, ni-require ang mga ahensya na mag-ulat kada buwan tungkol sa paggastos ng Covid funds

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng Gabinete na i-account ang mga inilalabas na pondo ng kani-kanilang ahensya patungkol sa Covid-19 response.

Aniya, “Upon my oath of office, ‘wag kayong mag-alala. Lahat ng pera na nagastos dito sa away ng Covid ay maa-account.”

I will hold myself responsible for this solemn duty of answering for and in behalf of the Executive department of all the funds that were spent in the fight against Covid (Gagawin kong responsable ang aking sarili para sa Ehekutibo hinggil sa paggastos ng pondo sa laban kontra Covid),” dagdag pa ng pangulo.

Ayon sa Budget Department, ₱376.6 bilyon na ang ginastos ng pamahalaan para sa Covid-19 response.

Ipinag-utos din ni Duterte sa national Covid-19 task force at iba pang mga departamento na isapubliko kung paano ginugol ang pondo, kabilang na ang itinakdang layunin ng mga natitirang pondo bawat buwan, kung saan pareho ito sa ipinag-uutos ng Bayanihan to Recover as One Act.

Unang sinabi ni Duterte na gusto niyang magkaroon ng ulat bawat dalawang linggo. Sinabihan din niya ang mga opisyal na ilathala sa mga pahayagan ang lahat ng procurement proposals.

Pagkatapos ay dinipensahan naman ng pangulo ang pagtatalaga niya ng mga dating opisyal ng militar para pangunahan ang mga ahensya ng pamahalaan, kabilang na si chief Covid-19 response implementer Carlito Galvez, Jr.

“I am sure na ‘yung mga taong iniwanan ko ng pera… they are military men na nakilala ko noon pa, matagal nang panahon. Alam ko they are a bunch of honest persons. ‘Wag kayong mag-alala, ikukwenta namin ang pera lahat,” giit ni Duterte.

Ang iba namang retired military officers na kabahagi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay sina Social Welfare Secretary Rolando Bautista, Defense Secretary Delfin Lorenzana, at Interior Secretary Eduardo Año.

Umapela naman ang pangulo sa Kongreso na lagyan ng karampatang proteksyon ang bagong niratipikahang Bayahan 2 Act laban sa kurapsyon.

Binanggit ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang iba’t-ibang stimulus measures ay dapat direktang ibigay sa mga bangko at e-wallet accounts ng mga benepisyaryo para maiwasan ang paghawak sa pera na maaring mauwi sa katiwalian.

Pinaalalahanan din ni Duterte ang mga Pilipino na huwag malito tungkol sa paggatos para sa Covid-19 at sa mga isyung kinakaharap ng PhilHealth.

“‘Yung PhilHealth ang dapat imbestigahan, dapat i-prosecute lahat, dapat ikulong. Itong pinag-uusapan ay hindi ho PhilHealth, pera ito sa Covid,” paglilinaw ng pangulo.

Tiniyak din niyang makukulong ang mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa kurapsyon.

LATEST

LATEST

TRENDING