Duterte, binanatan ang isang dating opisyal na humawak ng puwesto sa Customs at DBP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Nakatanggap ng mga maaanghang na salita ang isang dating chief of staff ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero mula kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang taped speech noong Agosto 24.

Tinawag ni Duterte ang dating Chief of Staff ni Guerrero na si Teodoro Jumamil bilang “balasubas” o swindler.

Ayon sa pangulo, matagal nang kurap si Jumamil at ginagamit nito ang kanyang mga koneksyon para mapawalang-sala sa kanyang mga ginawang krimen. Nagsilbi rin aniya ito sa dalawang posisyon sa pamahalaan nang magkasabay: isang posisyon sa Customs at isa bilang miyembro ng Board of Directors ng Development Bank of the Philippines.

“Itong si Jumamil matagal na iyan sa airport. Napaka-corrupt iyang p*****i** na ‘yan. Ang mahirap sa iyo, sa panahon ko, you took advantage because you helped me. [You want me] to repay by just closing my eyes. I cannot understand why you are holding DBP at the same time he was an employee of the Customs (Hindi ko maunawaan kung bakit ka nasa DBP habang empleyado ng Customs),” ani Duterte.

Sinabihan na niya umano si Guerrero na sibakin si Jumamil noon pa, subalit nagtagal pa bago ito nangyari.

Bagama’t galit ang pangulo kay Jumamil, kinilala naman nito ang katapatan ng Customs Chief.

Aniya, “I can vouch na (Masasabi kong) malinis ka. Problem is, do not entertain loyalties especially in government (Ang problema lang, huwag mong papansinin ang mga loyalties sa pamahalaan).”

Noong 2019, naharap si Guerrero sa ilang reklamo sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y iligal na appointments ni Jumamil at tatlo pang iba sa Bureau of Customs.

Ayon sa reklamo, hindi aniya kwalipikado ang mga appointees sa kanilang mga puwesto, kung saan nag-umpisa silang magtrabaho noong Nobyembre 2018, kahit na lumabas lamang ang kanilang appointment papers noong Mayo 2019.

LATEST

LATEST