Roque, tinawagan ang Globe at PLDT para humingi ng karagdagang linya ng telepono

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: ABS-CBN News

Tinawagan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang dalawag pinuno ng telco na sina Manny Pangilinan at Fernando Zobel de Ayala noong Agosto 24 para humingi ng karagdagang phone lines para sa One Hospital Command ng pamahalaan.

Ginawa ito ni Roque matapos umani ng batikos ang One Hospital Command—isang centralized hospital occupancy monitoring system na nais pabilisin ang referral ng Covid-19 patients- matapos itong magkaproblema sa contacting.

Sa kanyang regular na Palace press briefing, inilagay ni Roque sa loudspeaker angd dalawang businessmen matapos kumpirmahin ni treatment czar Health Undersecretary Leopoldo “Bong” Vega na nangangaailangan pa ng karagdang linya ng telepono ang pamahalan.

Pag-aari ng mga Zobel de Ayala ang Globe Telecom habang chairman naman si Pangilinan ng PLDT Inc.

Can we request Globe po for additional lines for the (Puwede po ba kaming humingi ng karagdagang linya mula sa Globe para sa) One Hospital Command Center?” tanong ni Roque kay Zobel sa telepono.

We’ll do our best to assist you (Gagawin namin ang lahat para makatulong),” tugon naman ni Zobel kay Roque sabay sinabing tatawagan ang Malacañang ng isang Globe executive.

Samantala, nangako naman si Pangilinan kay Roque na magbibigay ng karagdagang linya ng telepono.

“Pwede po ba natin sila bigyan ng fixed lines sa PLDT kasi medyo mahirap po sila ma-contact sa ngayon?” tanong naman ni Roque kay Pangilinan tungkol sa One Hospital Command.

“Yes sir we’ll do that right away,” sagot ni Pangilinan.

Itinayo ang One Hospital Command nitong buwan habang patuloy na nilalabanan ng mga medical facilities ang pagtaas sa bilang ng Covid-19 cases sa bansa.

LATEST

LATEST