Roque: Duterte, bababa na sa puwesto sa 2022 bagama’t may nagsusulong ng RevGov

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Hindi na mananatili sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang termino sa 2022, bagama’t umaapela ang mga tagasuporta nito para sa pagtatatag ng isang revolutionary government, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque noong Agosto 24.

Aniya, “Nilinaw natin na ang Presidente natin ay pinuno ng isang constitutional government at hindi po natin kinakailangan ang revolutionary government sa ngayon.”

Come 2022, he is welcoming transferring reign of power to his duly-elected successor (Sa 2022, ipapasa na niya ang kapangyarihan sa kasunod na pangulo),” paglilinaw ni Roque.

“Kung kayo po ay nagkakaroon ng agam-agam na he (Duterte) will stay beyond his term, that is the farthest from the mind of the President and I can assure you that (tinitiyak kong pinakamalayo ito sa kanyang isipan) po,” dagdag pa ni Roque.

Pinuna ng mga kritiko, kabilang na ang mga opisyal ng pamahalaan, ang panawagan ng grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee na magtatag ng pamahalaang rebolusyonaryo at pabilisin ang implementasyon ng pederalismo bago bumaba sa puwesto si Duterte sa 2022.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, hindi umano kinonsulta ng grupo ang ahensya tungkol sa isinusulong na panukala.

Tinawag naman ni Pangawalang Pangulo Leni Robredo na “iligal” at “walang saysay” ang nasabing panukala.

Idiniin naman ni Roque na bagama’t hindi konstitusyunal ang nabanggit na panukala, hindi umano ito nangangahulugang inaabanduna na ni Duterte ang pagsusulong sa pederalismo.

Naging matunog ang pangangampanya ni Duterte sa pagtatatag ng pamahalaang pederal para maisulong ang pag-unlad sa mga lalawigan, bagama’t hindi nilinaw kung ano ang mga gagawing hakbang para isakatuparan ito.

Hindi rin pinag-usapan ng Kongreso ang kahit na anumang pag-amyenda sa Saligang Batas simula nang magbalik ang sesyon, dahil nakapokus aniya ang mga mambabatas sa laban kontra Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING